Friday, May 19, 2017

First bite of the Sisig and Adobo Buns

Bagong meryenda mula sa Max's!




Ang Sisig Bun ay isang mahabang pandesal na may palamang sisig. Masarap naman. Ayos yung timpla ng sisig, lasang lutong bahay. Hindi nga lang maanghang (sayang). Nangingibabaw yung asim ng kalamansi. Ayos din yung tinapay, malambot at hindi masyadong matamis. Ang reklamo ko lang: kakaunti yung palaman. Sa gitna lang meron. 




Ang Adobo Bun naman ay isang malaking pabilog na pandesal na may palamang adobo. Hindi tulad ng Sisig Bun, mas marami itong palaman. Yung adobo, malasa naman. Lutang yung lasa ng atay at ng dahon ng laurel. All in all, pwede na.

Php 50 ang isang piraso ng anumang Bun.

Try them and judge for yourself.

No comments:

Post a Comment