Thursday, June 20, 2013

Ang Itlog ni Kuya

Sa daang Katipunan, sa loob ng baranggay ng White Plains, matatagpuan ang Tindahan ng Itlog ni Kuya, isang bilihan ng mga masasarap na itlog na maalat.


Ang Itlog ni Kuya ay organic, hindi masyadong maalat, hindi durugin, at hindi maanta.  Maganda siyang ihalo sa kamatis bilang kasama ng anumang pritong pagkain, o ipalaman sa tinapay dahil ito'y malasa.


Sa madaling salita, masarap ang Itlog ni Kuya.

Ang isang itlog ay PHp 15. 

May balot din si Kuya: malaking ang pula at maliit ang sisiw.  Masarap din!

Halina't subukan ang Itlog ni Kuya!

No comments:

Post a Comment